Bagong Umaga

1.2K 2 0
                                    

Sa muling pagsikat ng araw pagkatapos ng ulan,
Kulay ng mundo ay muling masisilayan,
Mga luntiang damo'y muling magsasayawan,
Makukulay na bulalak ay muling magtatawanan.

Masayang maglalayag sa himpapawid,
Magliliwaliw at aawit ang mga ibong sabik,
Mga insekto'y paparoo't paparito,
Huhuni nang mayroong kasamang ritmo.

Sina nene at totoy ay muling magsasaya,
Makakapaglaro ng habulan o taguan kaya,
Kanilang mumunting halakhak ay magiging musika,
Tanda ng panibagong araw na bigay ng ating Ama.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon