Ulan

1.1K 19 3
                                    

Romantiko ngang maituturing para sa iba,
Habang kapiling ang kani-kanilang sinisinta,
Sa ilalim ng ulan ay dama ang pagmamahalan,
Ng dalawang magsing-irog na pinagtagpo ng Maykapal.

Sa iba nama'y may hatid na kalungkutan,
Itong ulan na kanilang naging matalik na kaibigan,
Kanilang tanging karamay tuwing nag-iisa,
Tuwing may pighati't lungkot na nadarama.

Iba-iba man ang hatid ng ulan,
Ito'y biyaya ng Diyos, ating tandaan,
Maghatid man ito ng kalungkutan,
Sa huli'y may pag-asa ring daratnan.


Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon