PAGBABAGO

386 5 0
                                    

Sa isang relasyon, hindi lamang puro saya,

Minsa’y mayroon ring lungkot na madarama,

Hindi puro tamis ang dapat na asahan,

Minsa’y pait rin ang mararanasan.

Minsan nga’y maiisip mong siya’y sawa na,

‘Pagkat dating tamis ay unti-unti nang nawawala,

Dating paglalambing niya’y nagbago na,

Mas madalas na ang pag-aaway ninyong dalawa.

Kapag galit ang isa’y hindi na susuyuin pa,

Bagkus ay magagalit na rin sa kaniya,

Maghihintayan na lamang kung sino’ng unang kikibo,

Kung sino'ng unang hihingi ng tawad sa inyo.

Hindi na madalas magkausap sa telepono,

Minsa'y lilipas ang araw na wala maski ni ‘Ha’, ni ‘Ho’,

Minsan ri’y mas nais nang kasama ang mga kaibigan kaysa sa iyo,

Hindi na tulad nang dati na daig pa ang tuko sa sobrang dikit ninyo.

Mga regalo't sorpresa’y naglaho na rin,

Tila isa’t-isa’y nais na tipirin,

Kung dati’y planado ang selebrasyon para sa espesyal na araw,

Ngayo’y bumagsak na lamang sa bentahan ng isaw.

Marami man ang nagbago’t nawala,

Ang importante’y nais niyo pa ring makasama ang isa’t-isa,

Pag-aaway at diskusiyon ay hindi mawawala,

Kailangan niyo lamang itong harapin nang magkasama.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon