Ang May Sala

209 5 0
                                    


Sakit na aking nararamdaman,

Mistulang araw-araw na nadaragdagan,

Sarili ko’y ‘di ko na maintindihan,

Kung bakit ako’y lubos na nasasaktan.

Alam kong lahat ay kasalanan ko,

At wala akong karapatang magdrama nang ganito,

Ako ang dahilan kung bakit ka lumalayo,

Kaya’t bagay lamang sa’kin ang lahat ng ‘to.

Lahat ay bumabalik sa akin,

Mga ginagawa kong pananakit sayong damdamin,

Ngayon ay wala ka nang pakialam,

Mistulang ako’y iyo nang kinalimutan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon