HINDI INAASAHAN

225 5 0
                                    

Kaibigan,

Taong inaasahang nariyan,

Sa oras ng kagipitan,

O ‘di kaya’y sa kalungkutan.

Pinagsasabihan ng problema,

Mga hinanakit na dinadala,

Mistulang talaarawan,

Pangyayari sa buhay ang nilalaman.

Isang araw ay napagtanto,

Unti-unti na palang nahuhulog sa’yo,

Sinubukang pigilan ngunit ‘di kaya,

Masyado nang malalim ang nadarama.

Kasalanan ba’ng mahulog sa’yo?

Gayong ito’y ‘di ginusto,

Ayokong masira tayo,

Kaya pinilit na itago.

Ngunit gaya nga ng sabi nila,

Walang sikreto ang ‘di kumakawala,

Nabatid mo aking pagtingin,

Ika’y unti-unting lumayo sa akin.

Masakit ang iyong paglayo,

Akala ko’y may pag-asa sa’yo,

Ngunit sino nga ba ang niloko ko?

Simula pa lang batid nang malabo.

Iniingatang pagkakaibigan,

Agad-agad na natuldukan,

Lahat ito’y kasalanan ko,

Na lapastangang umibig sa’yo.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon