Corona Virus

9.3K 25 3
                                    

Lumalaganap na sakit,
Ay lubhang napakabagsik,
Buhay ay kayang kitilin,
Ng virus na kay hirap sugpuin.

Hirap at pasakit ang dala,
Pangamba sa bawat pamilya,
Banta sa ating kalusugan,
Itong 'di makitang kalaban.

Hiling ng bawat isa'y magwakas na,
Masugpo't lumayas na si Corona,
Buhay ay muling maging payapa,
Bawat isa'y muling maging malaya.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon