Pagsubok

852 5 0
                                    

Mahal ko, isang pagsubok na naman ang dumating sa ating relasyon,

Sana ito'y ating malagpasan at mahanap ang solusyon,

Ito sana'y hindi maging sanhi ng ating pagtatapos,

Sayang naman kung tayo'y magpapadala lamang sa agos.

Hindi ko gustong ika'y saktan,

Ipinaglalaban ko lamang aking karapatan,

Oo, ika'y aking mahal,

Ngunit makasama sila sana'y 'di mo ipagbawal.

Nais ko lamang bumawi sa aking mga kaibigan,

Ibalik ang dating saya na nawala noong panahon ko'y sa'yo inilaan,

Ngunit hindi ibigsabihin no'n na iyon ay aking pinagsisisihan,

Dahil sayang nadama ko sa piling mo'y walang katulad.

Siguro nga'y nagpadalos-dalos lamang ako,

Ngunit sana ito'y maintindihan mo,

Hindi ko ito paraan para ika'y saktan,

Inilalabas ko lamang ang bumabagabag sa aking kalooban.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon