Pagsubok

579 9 2
                                    

Problema sa buhay ay 'di maiiwasan,
Basta na lamang darating nang 'di inaasahan,
Susubok sa iyong sariling katatagan,
Sa iyong pananampalataya't kabanalan,
Malalim na sugat ang siyang iiwan,
Upang kusang paghilom ay iyong matutunan.

Mga problema'y 'di natin kaaway,
Bagkus sa buhay ay ating kaagapay,
Pahintulot at kaloob ng Panginoon,
Upang ating kapulutan ng leksiyon,
Leksiyong ating magiging pundasyon,
Upang tayo'y lubos na magyabong.

Mayroong problemang mistulang ambon,
Na agad-agad nahahanapan ng solusyon,
Mayroon namang mistulang bagyo,
Na talaga namang ang dala'y delubyo,
Problemang talagang susubok sa iyo,
Hanggang sa iyong tawagin lahat ng santo.

Ngunit tandaang kahit ano pa'ng problema iyan,
Pamilya't mga kaibiga'y laging nariyan,
Ating masasandalang tunay,
Laging kaagapay sa karera ng buhay,
Sila'y dapat na ipagpasalamat,
Sa ating Panginoong dakila sa lahat.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon