Sakripisyo

656 6 0
                                    

Siyam na taong pagmamahalan,

Nakakapanghinayang ngunit kailangan nang tuldukan,

Hindi dahil hindi na natin mahal ang isa’t isa,

Ngunit dahil mayroong mga bagay na mas importante pa.

Mahal kita, alam mo iyan,

Ito sana’y lagi mong tatandaan,

Maghiwalay man tayo’y mananatili ka,

Habang buhay na nakaukit sa aking alaala.

Pamamaalam ay sadyang napakasakit,

Puso’y mistulang dinudurog at pinupunit,

Hindi man malinaw sa iba ang sitwasiyon,

Ang mahalaga’y klaro sa atin iyon.

Alam kong sa pagbitaw ay maraming mangyayari,

Maraming tao ang sa buhay nati’y magiging parte,

Gayunpaman sana’y manatili ako sa iyong alaala,

Kahit mayroon nang nagpapasaya sa iyong iba.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon