Tiwala

382 6 0
                                    

Sabi mo ikaw sa aki'y may tiwala,

Ngunit bakit nararamdaman ko'y taliwas yata?

Pagiging seloso mo'y hindi na yata tama,

Ito'y sobra na't maski malilit na bagay ay binibigyan mo ng malisya.

Sa lahat ng bagay ako'y iyong pinagbabawalan,

Ako'y mistulang mamamayang nawalan ng kalayaan,

Batid ko naman ang aking mga hangganan,

Ngunit iniirog ko'y ayaw akong pagkatiwalaan.

Minsan nga ako'y nasasakal na,

Sapagkat ika'y sadyang humihigpit na,

Daig ko pa ang nakulong sa bilangguan,

Na lahat ng galaw ay nalilimitahan.

Kung talagang ikaw sa aki'y may tiwala,

Kahit ano'ng lapit ng iba'y hindi ka mababahala,

Sapagkat alam mong sa puso ko ika'y nag-iisa,

At ni minsa'y hindi ko iisiping tumingin sa  iba.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon