Pagbitaw

212 5 0
                                    

Nangakong habangbuhay na magsasama,
Mga pagsubok ay haharapin nating dal'wa,
Hindi hahayaang tayo'y masira nito,
Mananatiling tayo hanggang dulo.

Malayo-layo na rin ang ating nilakbay,
Na tila saati'y wala nang makakapaghiwalay,
Magkaagapay sa bawat hamon sa buhay,
Itong ating relasyong lalong tumitibay.

Ngunit ang relasyon nating kay ganda,
Isang araw ay kumupas na lamang bigla,
Agad natibag ng isang sakuna,
'Di mawari kung paanong mabubuo pa.

Dating pagsasama'y maaayos pa ba?
Gayong ito ngayo'y may lamat na,
Sadyang lahat ng bagay ay may hangganan,
Maski ang akala nating pangmatagalan.

Ngunit 'di natin kailangang magmukmok,
Huwag manatili sa isang sulok,
Mundo'y tuloy pa rin sa pag-ikot,
Manalig lamang at mawawala rin ang kirot.

==
A/N: Merry Christmas everyone! :)

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon