Tanaga

438 6 0
                                    

"Binibini"
Mapupula mong labi,
Mapilantik na pilik,
Ngiting nakakatunaw,
Araw-araw kong tanaw.

"Pusong Sawi"
Pusong iyong sinaktan,
Ngayon ay naghilom na,
Handang umibig muli,
Sa mas karapat-dapat.

"Inspirasiyon"
Ligayang hatid sa'kin,
Walang makakatumbas,
Makita lamang kita,
Araw ko ay buo na.

"Sinta"
Sa piling mo'y ligaya,
Dama ko sa tuwina,
Makasama ka lamang,
Lungkot ay burado na.

"Banal"
Banal na Panginoon,
Sinasamba ng lahat,
Pinasasalamatan,
Pinupuring tuwina.

"Bingo"
Alaga ko'y maliksi,
Bingo kaniyang pangalan,
Kaibigan kong tunay,
Mananatiling tapat.

"Pula"
Paborito kong kulay,
Sa dugo'y makikita,
Simbolo ng digmaan,
Kulay 'to ng mansanas.

————
A/N:Subok naman tayo ng iba :) I hope you like it. Don't forget to vote and comment down your concerns. Thank you :*

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon