Tsismis

631 12 5
                                    

Tsismis na puno ng papuri,

Kay sarap pakinggan mula sa kanilang mga labi,

Iyong pangalan ay bukambibig ng lahat,

Magagandang bagay na iyong taglay ang kanilang iniuulat.

Ngunit tsismis na puno ng kapintasan,

Sa tainga'y masakit pakinggan,

Sakit ang dulot sa iyong kalooban,

Nitong mga taong 'di naman alam iyong katangian.

Sila'y nag-uusap upang may maipintas lamang,

Sa kanilang kapwa na 'di naman kilalang lubusan,

Hindi iniisip ang mararamdaman ng iba,

Pansariling kapakanan sa kanila'y mas mahalaga pa.

Aking tanong, 'sila'y bakit ganyan?'

'di naman nila kilalang lubos ngunit kanilang pinipintasan,

Bakit hindi na lang ang kanilang kamalian,

Ang kanilang itama at pagtsismisan?

Sa ganoong paraan, sila'y walang masasaktan,

Sa mga salitang sa kanilang labi'y nagsisilabasan,

Payo ko sana'y tingnan muna ang iyong sarili,

Siguraduhin munang walang kapintasang tinatangi.

Bato-bato sa langit,

Matamaa'y huwag magalit,

Aking isinasalaysay ay pawang katotohanan,

Sa araw-araw ay ating natutunghayan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon