Maling Pag-ibig

288 9 2
                                    

Takbo ng tadhana'y 'di mawari,
Masasayang nakaraa'y 'di na maaari,
Tamis ng kahapo'y 'di na mababalikan pa,
Mga alaala'y kailangang bitiwan na.

Naisin ma'y 'di maaaring ipilit,
Pagka't mararanasa'y puro lamang pasakit,
Pagsasamang tutupok sa bawat isa,
Dapat nang wakasan upang 'di na lumala pa.

Ika nga'y pinagtagpo ngunit hindi itinadhana,
Yaring mga landas na pilit pinagsama,
Tunay ngang nagpadama ng kakaibang saya,
Ngunit sa dulo'y sakit lamang ang dala.

Lahat ng bagay ay mayroong katapusan,
Mga sandaling mayroong hangganan,
Mga kwentong kailangang wakasan,
Mga tagpong kailangang tuldukan.

Pagtatagpong sadyang 'di inaasahan,
Pagsasamang mistulang wala nang hangganan,
Simbahan na siyang hinahangad na hantungan,
Mauuwi lang pala sa mapait na katapusan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon