Panibugho

1K 6 0
                                    

Panibughong kay lupit,

Dala'y puro pasakit,

Ika'y mahihirapang ngumiti,

Sakit ay  matagal bago mapawi.

Kapag ito'y iyong naramdaman,

Taong pinagseselosa'y nais na saktan,

Pisikal man o emosyonal,

Ito'y walang ligtas mula sa taong nagmamahal.

Panibughong kahit pagkakaibiga'y maaaring masira,

Relasyon na kay tagal ay madaling mawawala,

Lahat ay maaaring maisakripisyo,

Kung iyong paiiralin ang nadaramang panibugho.

Bago kumilos ay dapat munang isipin,

Kung may masasaktan sa iyong gagawin,

Hindi tama na porke't ika'y nasasaktan,

Iyong kapwa'y iyo na ring pasasakitan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon