Ating Sandigan

3.3K 8 0
                                    

Pamilyang aking kinagisnan,

Masaya kahit na lubog sa kahirapan,

'di man magkamit ng limpak-limpak na kayamanan,

Basta't sama-sama, kasiyaha'y walang hangganan.

Kasiyahan ng isang pamilya'y 'di sa kayamanan makikita,

Kundi sa pagmamahal na ibinibigay ng bawat isa,

Bawat kasapi'y handang magtulungan sa hirap o ginhawa,

Handang dumamay sa oras ng kagipita't problema.

Ating pamilya'y kaloob ng Panginoon,

Sila'y atin nang karamay mula pa man noon,

Pamilyang hindi matutumbasan at mabibili ng salapi,

Handang tumulong nang walang pasubali.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon