Introvert

439 7 0
                                    

Nerd, Loner, Geek,
Oo, iyan kami,
Mga taong mas nanaising kasama ang libro,
Kaysa silang magaling lamang sa pakitang-tao.

Sa isang sulok ay mas pipiliing mamalagi,
Kung saan mundo'y payapa't tahimik,
Kasya piliting palibutan ang aming sarili,
Ng mga taong plastik at mapagkunwari.

Mas kinahihiligan ang pagbabasa't pagsusulat,
Kaysa ang sa lungga'y humulagpos,
Sabihin niyo nang kami'y ilag sa tao,
Walang kaibigan at kung ano pa'ng inyong gusto.

Masisisi niyo ba ang mga tulad namin?
Mga taong ganito ang nais,
Mga taong mas nararamdamang sila'y kabilang,
Kapag sila'y nag-iisa lamang.

Para sa ami'y mas masaya,
Kapag ikaw lamang mag-isa,
Kaysa sa marami ka ngang kasama,
Ngunit mas nararamdaman mong ika'y iba.

Hindi sa inilalayo namin ang aming sarili,
At mas ninanais na lamang na magkubli,
Sana kami'y inyo namang maintindihan,
Tayo'y iba-iba naman ng kagustuhan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon