Inang Mahal

1K 9 0
                                    

Oh, aking inang mahal,

Kaloob ng Poong Maykapal,

Siya'y bukod-tangi't kakaiba,

Sa kaniya'y wala nang hihigit pa.

Nagsisilbing aking mapa't kompas,

Sa tuwing ako'y maliligaw ng landas,

Siya ang tangi kong karamay,

Sa problema ng aking buhay.

Inang sa aki'y 'di mapapagod at magsasawa,

Ako'y ipagmamalaki't 'di ikakahiya,

Habang buhay siya'y aking pangangalagaan,

Upang kaniyang paghihirap ay aking masuklian.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon