Ako

1.4K 20 1
                                    

Simpleng babae na mayroong matayog na pangarap,
Nakaranas ng hirap at hindi lamang puro pasarap,
Tahimik at masikreto, pagkatao'y 'di isinisiwalat,
Mga bagay ay nais na organisado't hindi makalat.

Makikilala lamang nang lubos kung bibigyan ng ibayong pansin,
Aking pagkataong hindi maipakita kahit na naisin,
Ika nga ng iba'y mahiyain at talagang ilag sa tao,
Sa tingin ko kailanma'y hindi na ito magbabago.

Ngunit iisa lamang ang sigurado't totoo,
Sa oras na ako'y makilala mo, lahat nang ito'y magbabago,
Makikita't masisilayan ang tunay na ako,
Isang simpleng babae at totoo.


Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon