Pagbabago

364 9 0
                                    

Sa paglipas ng panahon,
Pagmamahal mo’y mistulang mga dahon,
Unti-unting nalalagas,
Sa puno’y tuluyang kumakalas.

Alam kong sa mundo’y walang permanente,
Hindi dapat ako magpakampante,
Kahit ang pangako mo’y maaaring maglaho,
Sigaw ng damdamin mo’y magbabago.

Naaalala mo pa ba,
Matatamis na salita?
Masamyo mong mga halik,
Mga yakap mong napakahigpit.

Ikaw ngayo’y tila napakalayo na,
Damdamin mo’y sadya nga atang iba na,
Malambing na pakikitungo sa akin,
Dagliang napalitan ng panlalamig.

Batid ko man ang katapusan,
Pangako mo’y patuloy na panghahawakan,
Magmukha mang tanga sa iba,
Ako’y patuloy na aasa.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon