Pandemya

12.2K 16 21
                                    

Pandemyang ating nararanasan,
Hudyat na tayo'y dapat magtulungan,
Simpleng gawi'y napakalaking bagay,
Upang tayo'y makapagligtas ng milyong buhay.

Ang panahong ito ng pandemya,
Ay panahon para sa ating pamilya,
Panahon ng lubos na pagpapahalaga,
At pagpapatibay ng ating pananampalataya.

Huwag iisiping tayo'y pinarurusahan,
Bagkus tayo'y binibigyang leksyon lamang,
Upang ipaalala ang ating mga nakaligtaan,
Bumalik sa dapat nating pinaniniwalaan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon