Ako'y Maghihintay

203 6 0
                                    

Pagsasama nati‘y ‘di na tulad ng dati,

Wala nang ngiti sa ating mga labi,

Maalab na apoy ng ating pagmamahalan,

Ngayo‘y hindi ko na maramdaman.

Ano nga ba ang nangyari sa atin?

Sino ang may salang dapat sisihin?

Dapat nga ba na may managot?

O tayo mismo ang sagot?

Hindi mawari kung saan nag-ugat,

Pagdilat isang araw ay mayroon ng lamat,

Tayo‘y mistulang naglalarong mga bata,

Na bigla na lamang nawalan ng gana.

Dating kislap sa mga mata’y naglaho,

Kasabay ng ating bawat pangako,

Ngunit sa kabila ng lahat ng ‘to,

Nananabik pa rin ako sa yakap mo.

Patuloy pa rin akong aasa,

Na tayo’y maaayos pa,

Dating init ay babalik,

Maiibsan ang pananabik.

Maghihintay na muling marinig,

Salitang ‘mahal kita’ mula sa iyong bibig,

At ang pag-ibig nating natuyo’t namatay,

Ay muling mamumukadkad nang tunay.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon