Bakit?

336 5 0
                                    

Ako ba'y mahal mo pa?

O pag-ibig mo'y naglaho na?

Dating matatamis na ngiting sa aki'y iginagawad,

Ngayo'y impit at pilit na lamang.

Bakit damdamin mo'y tila nagbago na?

Nasaan na ang pangakong ako'y mamahalin sa t'wina?

Sadya nga bang mga pangako'y napapako?

O talagang ikaw lamang ay nagbago?

Sabi mo'y walang dapat na itago,

Lahat sa akin ay sasabihin mo,

Ngunit bakit tila yata ika'y lumalayo,

At sa aki'y nagiging masikreto?

Ngunit kahit ganito'y mahal pa rin kita,

Martyr man ang tingin ng iba,

Pangako mo'y siya pa ring aking panghahawakan,

Paniniwala ko sayo'y akin na lamang titibayan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon