Katapusan

412 6 0
                                    

Masaya ang kanilang pagmamahalan,

Mistulang wala nang hangganan,

Ngunit lahat ay nasira't natuldukan,

Nang magpakita babaeng galing sa nakaraan.

Kampante si babae sa kasalukuyan,

'pagkat lalaking mahal ay alam na wala nang nararamdaman,

Ngunit pagmamahal ni lalaki sa dalagang galing sa nakaraan,

Nananatili pa pala at hindi pa nakakalimutan.

Kanilang relasyon na nagmistulang perpekto,

Puno pala ng pagkukunwari't sikreto,

Akala niya siya'y mahal nito nang tunay,

Mali pala ang pag-ibig nito na sa kaniya'y inalay.

Sa bandang huli'y pinili nitong siya'y saktan,

Babae sa nakaraan ang siya nitong pinanigan,

Siya nama'y pinili na lamang maupo sa isang tabi,

Habang lihim na tumatangis at nagdadalamhati.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon