EX

464 13 6
                                    

Naaalala mo pa ba, masasaya nating alaala?

Matatamis na salitang sa aki'y binibigkas mo pa,

Mga pangakong noo'y iyong binitawan,

Nasaa't bakit naglaho na nang tuluyan?

Sabi mo'y ako lamang at wala nang iba,

'Ika'y hindi iiwan', bigkas mo pa,

Ngunit bakit isang araw aking nalaman,

Ika'y may iba na at ako'y iyo nang iiwan?

Sakit na dulot mo sa aking buhay,

Sana'y lumipas na at sa ihip ng hangi'y sumabay,

Upang sa oras na ika'y maalala ko,

Ako'y ngingiti at hindi iiyak dahil sa pighating iniwan mo.

Ngunit iisa lamang ang alam kong totoo,

Ako'y nagpapasalamat pa rin sa pagdating mo,

Kakaibang saya sa piling mo'y naranasan ko,

Kahit panandalian lamang ang pananatili mo.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon