Istorya

709 9 1
                                    

Sa pagbabasa ng libro, ako'y malaya,

Pakiramdam ko'y ako mismo ang nasa istorya,

Nakikita ko ang bawat magagandang tagpo,

Pagbabasa'y hindi ko na maihinto.

Nangangarap na sana'y maging manunulat rin,

Manunulat na hahangaan at magaling,

Istoryang aking gagawin ay tatangkilikin,

Ipamamahagi't pupurihin.

Pangarap ko, sana balang-araw ay matupad,

Maging manunulat rito sa Wattpad,

Mga kwento ko'y lalabas na maganda,

Hindi pinipilit at dadaloy nang kusa.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon