Mapagsamantala

446 8 0
                                    

Ako'y may kakilalang taong mapagsamantala,

Ako'y naaalala lamang kapag may kailangan siya,

Ako'y kaibigan lamang sa oras ng kaniyang pangangailangan,

Ngunit kapag ako na ang may kailangan, siya'y naglalahong biglaan.

Sa ating paligid ay maraming ganyan,

Pagsasamantalahan maski ating kahinaan,

Pati paghingi ng pasasalamat ay kanilang nakakalimutan,

Nais lamang ay matustusan kanilang mga pangangailangan.

Pagiging sobrang bait ngayon ay 'di na uso,

Pati pagbibigay ng sobra kung kani-kanino,

Paminsan-minsan ay kailangan ding magdamot,

Mula sa mga taong sa paghingi ng labis ay walang takot.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon