TAGAHANGA

419 9 0
                                    

Tibok ng puso ko'y 'di ko mapigilan,

Kasiyahan ko'y walang mapagsidlan,

Makita lamang kita'y buo na ang araw ko,

Sapat nang mamasdan ka kahit sa malayo.


Araw-araw hinihiling kong sana ako'y mapansin mo,

Ngitian mo lamang ay kuntento na ako,

Ngunit kung nais mo'y kumaway ka na rin,

Pamamansin mo'y iyo nang lubusin.


Matagal nang sa iyo'y nakabantay,

Mistulang sayo'y patay na patay,

Hindi ko lamang maipagtapat aking nararamdaman,

Sapagkat baka ako'y iyong layuan.


Huwag sanang mag-iisip ng kahit na ano,

Ako'y iyo lamang tagahanga mula sa malayo,

Lihim na umaasang mapapansin mo,

Kahit na estado ko sa iyo'y malayo.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon