Pag-ibig

1.7K 27 4
                                    

Pag-ibig na kay lupit,
Bakit ako'y kailangang saktan nang paulit-ulit?
Lahat nama'y aking ibinigay at inialay,
Ngunit ngiti sa aking labi'y hindi man lamang sumilay.

Kailan mararamdaman ang pag-ibig na tunay?
Kailan darating lalaking handang ialay ang buhay?
Habang buhay na lamang ba'ng lungkot ang madarama,
Ng aking pusong hanggang ngayo'y umaasa?

Pait na dulot ng pag-ibig,
Naranasan dahil kinulang sa dilig,
Lalaking sa aki'y itinadhana,
Kailan darating upang ako'y mapaligaya?


Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon