Eleksiyon

535 10 2
                                    

Ngayong nalalapit na ang eleksiyon,
Maging tiyak sa ating desisyon,
Pagpapadalos-dalos ay huwag hayaan,
Huwag isakripisyo ang taumbayan.

Mahalaga ang bawat boto,
Dignidad ang kaakibat nito,
Kilatising maigi ang nais mamuno,
Siguraduhing ‘di nagbabalat-kayo.

Ang pagpili’y ‘di basta-basta,
Kapag nagkamali’y maraming mawawala,
Hindi lamang kaban ng ating bayan,
Ngunit maaaring maging ating kalayaan.

Mga dating namuno sana’y naging aral,
Upang ngayon tayo’y maging marangal,
Huwag magpapasilaw sa salapi,
Nang sa huli’y ‘di magsisisi.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon