Pangungulila

213 5 0
                                    

Mali ba'ng maging makasarili paminsan-minsan?

Nais ko lamang atensiyon mo'y sa akin ilaan,

Batid ko namang ika'y napakaabalang tao,

Ngunit hangad ko lamang ay ilang minuto.


Araw-araw ay naghahangad ng pagkalinga,

Pagmamahal sa akin ay maipadama,

'Pagkat araw ko'y hindi kumpleto,

Kapag wala ka sa tabi ko.


Minsa'y 'di maiwasang magtampo,

Sa tuwing lilipas ang araw na wala ka rito,

Ni 'ha', ni 'ho' ay walang nadinig,

Nananabik na sa iyong tinig.


Negatibong bagay sa utak ay iwinawaglit,

'Pagkat alam kong ako'y 'di mo ipagpapalit,

Araw-araw pa rin akong maghihintay,

Sa akin ay huwag ka lamang mawalay.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon