Famewhore

3.5K 7 0
                                    

Marahil ang bawat isa'y pamilyar na sa kaniya,

Araw-araw ba namang laman ng social media,

Puro 'floodlikes' at 'RT' ang laman ng bawat posts niya,

Halos tumatak na nga sa isipan mo ang mga salitang gamit niya.

Minsa'y sinusubukan pang manggamit ng ibang pangalan,

Siya'y "poser" pang matuturingan,

Kadalasa'y sa paggawa naman ng "trending" videos tumitirada,

Na sadyang kaniyang ikinagagalak pa.

"Famewhore" nga ba siyang maituturing?

Pagsikat ang kaniyang natatanging hiling,

Hindi na nga nakakagulat ito sa panahon ngayon,

Na kung saan lahat ng tao'y sa pagsikat na nakatuon.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon