Panlalamig

236 5 0
                                    

Tama pa ba itong aking nadarama,

Ang mainggit sa relasyon ng iba?

Kanilang pagsasama’y napakasaya,

Mistulang walang problemang iniinda.

Siguro’y tama nga ang sabi nila,

Na kapag tumagal ay lumalamig na,

Dating tamis ay naglalaho na,

Nagkakaroon na ng sikreto sa isa’t-isa.

Kung kaya ko lamang ibalik ang oras,

Babalik ako sa araw na tayo’y napakasaya,

Pagmamahal mo sa akin ay walang duda,

Sakripisyo’t pagpupunyagi mo’y ‘di maikakaila.

Ano na nga ba ang nangyari sa ating dalawa?

Ako nga ba ang siyang may sala?

Hindi na magunita kung kailan ito nagsimula,

At kung bakit nagkamalat tayong dalawa.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito,

Hinding-hindi ko magagawang sumuko,

Patuloy akong aasang tayo’y magbabago,

Muling babalik sa dating tayo.

–––––
A/N: It’s been a long time. Haha.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon