Bagong Taon

2K 4 0
                                    

Bagong taon, bagong buhay,

Bagong pagkakataon para sa pagninilay,

Pagninilay kung paano ito gagawing makabuluhan,

At upang walang kahit na anong pagsisisihan.

Bagong taon na kaloob ng Diyos,

Ating ipagpasalamat nang lubos,

Hindi lahat ay umaabot dito,

Kaya’t maswerte kang naipagdiwang pa ito.

Iba’t ibang pagbabago ang dapat na asahan,

Mga bagong gawi’t katauhan,

ika nga ng iba’y, “Bagong taon, bagong ako”,

Abangan na lamang natin kung mangyayari nga ito.

Hindi naman talaga kailangan ng pagbabago,

Sapagkat mas mainam ang pasasalamat nang taos-puso,

Isama na rin ang pagmamahal nang walang kapalit,

At ang hindi pagtatanim sa kapwa ng anumang galit.

--------
A/N:Happy New Year, everyone! May God Bless us all! :)

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon