Matibay na Samahan

499 5 0
                                    

Limang taon na ang nilakbay,
Ng ating relasyong nananatiling matibay,
Kasama ang Diyos bilang ating sentro,
Kaya naman lahat ng bagay ay planado.

Limang taong puno ng saya,
Mga tampuhang 'di maikakaila,
Mistulang mabatong daan ang tinahak,
Hindi maiwasang sa lupa'y sumalampak.

Malayo pa nga ang ating lalakbayin,
Maraming pagsubok pa ang susuungin,
Hangad kong tayo'y manatiling matatag,
Pagmamahalan ang ating magiging kalasag.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon