BULAKLAK

523 6 0
                                    

Mga babae'y sadyang komplikado,

Kanilang mga desisyo'y pabago-bago,

Sasabihing 'hindi' ngunit iyon pala'y 'oo',

Ngayon ay 'ayaw' ngunit mamaya'y 'gusto'.


Sabi nga ng iba'y mistulang lagay ng panahon,

Hindi mo mawari kung kailan aaraw o aambon,

Minsa'y nasa magandang kondisyon,

Ngunit madalas ay mistulang galit na leon.


Ngunit paniguradong sa oras na sila'y maunawaan mo,

Maraming bagay ang sa kanila'y mamahalin mo,

Hihilingin mong sana'y huwag nang malayo,

Manatiling permanente sa buhay mo.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon