Masdan Mo Ating Kapaligiran

11.7K 17 2
                                    

Masdan ating kapaligiran,

Mga punong matatayog at mga ibong nagsisiliparan,

Biyaya ng Diyos upang ating alagaan,

Panatilihing malinis at kaaya-ayang tingnan.

Mga isdang lumalangoy na kay gandang pagmasdan,

Mga hayop na tahimik na namumuhay sa kanilang tahanan,

Mga puno't halamang maayos na tumutubo,

Mga bulkang tulad ng bulkang Pinatubo.

Lahat ng ito'y kaloob ng Panginoon,

Na walang kupas ang ganda mula pa man noon,

Tayong mga tao ang siya Niyang naatasan,

Na ito'y palaguin at protektahan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon