Maghintay

233 4 0
                                    

Kailan masasabing ito'y tama?
Kailan masasabing siya na nga?
Paano masisigurong hindi ka iiwan?
Na 'di ipagpapalit kanino man?

Sa pag-ibig ay walang sigurado,
Lahat ng bagay ay maaaring magbago,
Ikaw man ang mundo niya sa ngayon,
Mag-iiba pa rin ang ihip ng panahon.

Pagmamahal na kaniyang ipinaparamdam,
Maaaring sa iba na naising ilaan,
Hatid na lambing at pagkalinga,
Maaaring sa iba na ipadarama.

Dating init ng inyong samahan,
Maaaring lumamig nang biglaan,
Relasyong bukas sa isa't isa,
Maaaring mapuno ng pagdududa.

Mga pangarap na binuo nang magkasama,
Maaaring nais nang tuparin sa piling ng iba,
Araw-araw na pananabik sa isa't isa,
Maaaring mauwi sa pagsasawalang-bahala.

Bago pumasok sa isang relasyon,
Siguraduhing ika'y handa sa mga kondisyon,
Mas maiging mahalin muna ang sarili,
Bago ang pagmamahal ay sa iba ibaling.

Tandaang may plano ang Diyos para sa'yo,
Planong sadyang ikabubuti mo,
Kaya't pag-ibig ay huwag madaliin,
Mayroong tamang oras para sa'yong mithiin.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon