Bahaghari

5K 7 0
                                    

Kaibigan, ako’y iyong pakinggan,
Ika’y hindi dapat na mapanghinaan,
Sa hamon ay ‘di kailangang sumuko,
Sa kaaway ay huwag magpapatalo.

Mga problema’y nariyan lamang,
Hindi ‘yan mawawala’t lilisan,
Maaaring ito’y ating maging kaaway,
O ‘di kaya’y maging ating gabay sa buhay.

Pilitin mong ipanalo ang bawat laban,
Tiyak na ang bahaghari’y iyong mamamasdan,
Maraming bagay ang sa iyo’y nakaabang,
Tiyak kong marami ang sa iyo’y nagmamahal.

Tandaan, ang Panginoon ay laging nariyan,
Handang magbigay liwanag sa iyong daan,
Idagdag pa ang pamilya’t mga kaibigan,
Na sa pasanin mo’y magpapagaan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon