Nanay

384 9 0
                                    

Siyang kaagapay ko sa tuwina,
Sagot sa aking bawat problema,
Siyang hindi nanghihingi ng kapalit,
Siyang unang nakakaramdam ng sakit,
Kakampi ko sa bawat hamon ng buhay,
Walang iba kundi si nanay.

Naghirap siya nang siyam na buwan,
Nagtiis hanggang sa aking kapanganakan,
Lahat ay kaya niyang isakripisyo,
Mapunan lamang ang mga kailangan ko,
Bawat pagsubok ay kayang harapin,
Basta't kasama si nanay, lahat ay kakayanin.

Talikuran man ako ng lahat,
Batid kong siya'y magiging tapat,
Kaya't lahat ay handang ibigay,
Mapasaya ko lamang si inay,
Para sa kaniya, lahat ay gagawin,
Hanggang kamatayan siya'y mamahalin.

Lahat ng aking tagumpay,
Buong pusong sa kaniya'y iaalay,
Bigyan man ng limpak-limpak na salapi,
Ipagpalit siya'y hinding-hindi mangyayari,
'Pagkat batid kong walang makakapantay,
Sa aking mapagmahal na nanay.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon