Hayskul

661 9 0
                                    

Pagiging hayskul ang siyang magsisimula,

Iba't ibang karanasan ang matatamasa,

Unang tibok ng puso'y madarama,

Maging unang pagkabigo dito'y kasama.

Dito rin magsisimulang bawat isa'y matukso,

Nariyan ang barkada at maging ang bisyo,

Matututong magbulakbol kasama ang kung sino,

Wala nang pakialam kahit bumaba ang grado.

Ito ma'y hindi tama sa paningin ng tao,

Ngunit sigurado namang sila'y matututo,

Sariling kamalian ang kanilang magiging guro,

Magbibigay daan upang sila'y magbago.

Ika nga ng iba'y ito ang masayang parte,

Dapat na maranasan ng bawat estudyante,

Pagtanda'y kanila na lamang pagtatawanan,

Mga kalokohan noong hayskul pa lamang.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon