PIGHATI

320 8 0
                                    

Mahal kita ngunit mahal mo'y iba,

Ang sakit palang umasa sa wala,

Akala ko sa aki'y may pagtingin na,

Ngunit ito'y palabas lamang pala.


Sabi mo'y ayaw mo lamang ako'y masaktan,

Kaya 'di mo sinabing pagmamahal ko'y 'di mo masusuklian,

Ngunit hindi mo ba alam na ako'y mas nasaktan mo lamang?

Sapagkat mas pinili mo akong paniwalain sa kasinungalingan.


Totoo nga ang sabi ng ilan,

Na mas mainam pang sa katotohana'y masaktan,

Kaysa ang maging masaya sa mga kasinungalingan,

Dahil ito'y mas masakit sa kalooban.


Ngunit huwag kang mag-aalala,

Nasaktan mo man ako'y wala akong balak sisihin ka,

Siguro'y kasalanan ko rin naman ito,

Masyado akong nagpakalunod sa pagmamahal ko sa'yo.


Siguro ito'y pamamaalam na,

Sana'y maging masaya kayong dalawa,

Salamat at ako ngayo'y namulat na,

Sa pait na dulot ng pagmamahal nang sobra.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon