Hiling

405 7 0
                                    

Kung sakaling ako'y lilisan at mawawala,

Sa akin kaya ika'y mananabik pa?

Mas pipiliin ba'ng maghanap ng iba,

O mananatiling tapat sa pag-iibigan nating dal'wa?

Magiging makasarili ba ako kung aking hihilingin,

Na sana ako lamang ang iyong iibigin?

Kahit ako'y wala na sa iyong tabi,

Sana sa puso mo ako'y manatili.

Siguro nga lahat ay may hangganan,

Mga tao sa iyong buhay ay kailangang lumisan,

Ngunit ito'y iyong pakatatandaan,

Kahit sa kabilang buhay, sa puso ko ika'y maninirahan.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon