Chapter 1

1.4K 35 2
                                    

THIS STORY IS UNEDITED SO PLEASE EXPECT SOME ERRORS WHILE READING THIS STORY. ENJOY READING!

I would like dedicate this chapter to Miss SOLEMAGNE Thank you po sa napakagandang book cover. I really loved it!

***

Katalina's P.O.V


"Class, open your book to page 125 and answer the following questions." sabi ng prof namin sa science na si Prof. Ruiz.

"Gusto ko ng matulog," inaantok na bulong ko sa sarili ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Sa himbing ng pagkakatulog ko, may tumatawag na pala sa akin.

"Miss Gomez? Miss Gomez?" Dali-dali akong bumangon sa pagkakatulog ko.

"Ma'am?" sabi ko na nahihimigan pa ng antok.

"Are you with us?" sabi ni Prof. Ruiz.

"O-Opo." nauutal na sagot ko. "Nakatulog lang po kasi ako." sabi ko.

"Alam ko na ikaw ang master dito sa university pero wag mo sanang gamitin ito sa klase," sabi niya at inirapan ko lang siya. "Alam ko naman po pero busy lang po talaga ako."

Flashback:

"Master, marami na pong estudyante ang lumalabag sa rules," sabi ni Kiko na isa sa mga tauhan ko.

"Ano po ang magiging parusa nila, master?" sabi naman ni Fatima, pinsan ko. Nag-isip-isip muna ako kung ano ang magiging parusa nila.

"Nasa inyo ba ang listahan ng mga lumabag?" tanong ko sa kanila.

"Opo," sabi ni Fatima sabay abot sa akin ng isang folder na naglalaman ng mga pangalan. Medyo marami-rami rin ito kaya...

"Pag-iisipan ko muna baka bukas ay maparusahan na sila" sabi ko na walang pag-alinlangan.

End of Flashback

Meanwhile sa Office...

Pagkarating ko sa office pagkatapos ng walang kwenta kong klase ay namataan ko na ang mga tauhan ko.

"Good morning, master." sabi nila sabay tayo at yumuko bilang pagbigay-galang sa akin. Tumango lang ako at sinenyasan sila para maupo sa kani-kanilang upuan.

"Master, may naisip na po ba kayo?" tanong ni Fatima para basagin ang katahimikan dito sa office.

"Meron," tipid na sagot ko.

"Ano naman po 'yon?" tanong ni Veronica, kaibigan ni Fatima.

"Pagbibigyan ko sila ng pagkakataon" sabi ko.

"Pagkakataon?!" bulalas ni Wilbert.

"Bakit tutol ka ba sa desisyon ng master mo?" mataray na tanong ko pabalik sa kanya kaya natahimik na lang siya.

"Alam ko na may record na sila sa atin pero hindi pa sila lumalagpas sa tatlo kaya kung uulit pa sila, alam niyo na ang gagawin." paliwanag ko sa kanila.

"Pero diba-" hindi na naituloy ni Wilbert ang sasabihin niya dahil inunahan ko na siya.

"Rules are rules," sabi ko sabay tayo at naglakad na paalis sa office.

Gusto ko munang magpahangin dahil stress na stress na ako. Nangangalahating araw pa lang ako ay stress na ako, ano pa kaya kapag buong araw? Hayy.

Hindi dapat ako ma-stress kasi gawain ko na ito bilang master nila. Nandito ako ngayon sa cafeteria? Hindi ko alam kung bakit ako napadpad dito sa cafeteria basta na lang ako dinala ng paa ko rito.

Pagpasok ko sa loob, lahat ng estudyante nagsitayuan mula sa pagkakaupo nila at yumuko bilang pagbigay-galang nila sa akin. 'Yung iba naman ay nagbigay daan para makadaan ako, nakayuko rin sila at may ilan pang bumati.

"Good morning po, Master."

"Good morning po."

Ilan lang 'yan sa mga narinig kong bumati sakin.

*****

Magpapakilala muna ako. Ako si Maria Katalina Gomez, 20 years old, anak ng may-ari nitong unversity, at isang third year student sa pinakamayan at pinakakilalang university dito sa Pilipinas. Ito ay ang Normal High University. Taking a Bachelor of Science and Accountancy at isang Master.

Ria ang tawag nila sa akin pero kapag nasa sa school ako, tawag nila sakin ay Katalina o 'di kaya'y Master. Mahahalagang tao lang ang tumatawag sa akin ng Ria tulad nila Kiko, mga ka-grupo ko sa gang at siyempre ang pamilya ko.

Sabi ng iba ako raw ay maganda, masungit at walang puso. Well, totoo naman ang lahat ng 'yon pero ang maganda? Ewan ko.

Walang nakakahigit sa akin at kung meron man, goodbye! Wala rin ni isa sa mga estudyante ang kumakalaban sakin. Ako lang naman ang nag-iisang Katalina Gomez. May angal kayo?

-

My boyfriend is my Assistant by tiramissyoulikecrazy

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now