Chapter 17|Tulog at Ngiti

110 5 0
                                    

Darryl's P.O.V

Nakatitig parin ako sa kisame ng kwarto ko. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang tulog niya kanina.

Nakita ko lang naman siyang humihilik at nagse-sleep talk mag-isa. Di joke lang! Nakita ko lang naman yung mukha niyang napaka-amo habang natutulog siya.

Sana palagi nalang siyang tulog.

Sumilay sa kanyang mukha ang nigiting matipid lang na parang may magandang panaginip na nangyari. May panaginip kaya siya? Ano kaya ang panaginip niya?

Ang nakakatuwa lang ay ang pagnguso niya habang tulog. Ganyan ba talaga siya pag natutulog nakanguso? Imaginin niyo, ang nag-iisang master sa Normal High ay
ngumunguso habang tulog. I found it cute.

Sumilay rin sa kanya ang napakagandang nukha niya. Oo aaminin ko maganda talaga si monster este si master sadyang hindi niya lang nakikita yung kagandahan niya.

Yung kagandahang nakakasilaw dahil sa ganda. Yung kagandang halos marami nang lalaki nahuhulog sa kanya. Yung kagandahang mas lalong  nagpapatingkad ng pagkatao niyang masungit at suplada haha.

Nang tignan ko yung mukha niya niyang natutulog mas nangingibabaw sa kanya ang ganda niya. Idagdag pa natin anh matangos siyang ilong at makinis niyang mukha pati rin ang maputing balat nito.

Sobrang nakapaamo ng mukha niya parang mala anghel sa sobrang amo. Pati na rin yung ganda niya na mala anghel.

How I could wish na sana paggising niya maging maamo rin ang ugali niya. Parang impossible mangyari yun eh kanina nga paggising niya yung mala anghel niyang mukha nung natutulog siya eh agad namang napalitan sungit paggising niya.

Mapangiti nalang ako habang inaalala ang nangyari kanina.

Am I admiring her?

Katalina's P.O.V  (Play the music Ngiti by Ronnie Liang while reading. Enjoy!)

Ngiti?

Naalala ko yung ngiti niyang sobrang lapad na abot hanggang sa tenga niya. Yung ngiting walang kahirap-hirap na kaya niyang ipakita sa buong mundo. Yung ngiting walang hinanakit na natitira sa puso niya.

Sana ganyan rin ako.

Simula nang namatay si mommy, ni hindi ko na nagawang ngumiti. Ni tawa nga rin hindi ko nagagawa. Tanging tipid na ngiti lang ang naipapakita ko na siyang plastik rin naman.

Hanggang sa makita ko ang ngiti niya parang nabuhayan ang loob ko na ngumiti pero pilit nga lang.

Nakita ko sa mga ngiti niya nag kasiyahan. Na para bang wala siyang problema na hinaharap sa buhay niya hindi kagaya ko.

Kitang kita ko rin kung gaano siya kagalak na ipakita ang ngiti niya. Sa ngiti niya, yung mga mata niya ay naniningkit na parang may pagkachinito siya ng konti. Pero hindi, wala naman siyang lahing Chinese.

Basta ang nakikita ko lang ang sa mga mata niya ay ang saya at parang kumikinang pa ito. Ewan ko lang kung guni-guni ko lang ba yon o ano?

Hindi ko maiwasang na mapatitig sa kanya. Gwapo naman siya, matangos ang ilong, makinis ang mukha at mapupulang labi na nakakadagdagng karisma niya.

Wait, am I admiring him?

---

Naisipan kong bumaba ng kwarto ko para uminom ng tubig. Pansin kong nakabukas pa ang lahat ng ilaw dito sa loob ng bahay. Tuluyan nakong bumaba at nagtungo sa kusina.

"O dad bakit gising ka pa?" tanong ko nang madatnan ko si Daddy sa kusina.

"I was just drinking a water kasi inuuhaw ako eh" he just smiled at me.

Wait, totoo ba tong nakikita ko? Bakit nakikita ko si Darryl sa ngiti ni Dad? It can't be. Namamaliknata lang ako.

Marahan kong pinilig ang ulo ko at muli kong tinignan si daddy. Tama nga ako, namalikmata lang talaga ako.

"Are you okay anak?" tanong niya. Bumuntong hininga muna ako bago siya sinagot.

"Y-yes, I'm okay. I'm just sleepy."

"Okay, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah."

"Iinom rin po ako ng tubig."

"Okay sige una nako. Patayin muna ang mga ilaw bago ka pumasok ng kwarto mo" he ordered.

"Yes dad" at nagsimula  nakong pumunta sa ref para kumuha ng tubig.

Bakit ganon ang nangyari sakin? Nakikita ko si Darryl sa ngiti ni dad kanina sa sobrang inaalala ang nangyari kanina, nakikita ko si Darryl sa paraan ng pagngiti. All I see is his face with a sparkling smile.

Ano ang nangyayari sakin? Ugh!

~


My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now