Chapter 22|Decision

86 6 0
                                    

Katalina's P.O.V

July na, ang bilis ng panahon noh? Parang kahapon lang nung unang pasukan pa namin, ngayon mag-iisang buwan na.

Mag-iisang buwan na rin na tinuturuan ako ni Darryl. Hindi ko aakalain na mag-iisang buwan na pala.

Marami na siyang tinuro sa akin tulad ng pagiging matulungin, yung mapagbigay sa kapwa dahil daw madamot ako nanginginsulto yata siya eh. Isa na dun ang tumawa pero hindi ko parin magagawa hanggang ngayon.

Di ba noong reporting namin ay nakita niya akong nakangiti kaya ayun ang sinunod niya ay ang pagtawa.

Isa sa mga tinuro niya ay ang pagiging matulungin (nabanggit ko na kanina). Pumunta kami sa isang baranggay na nagkakaroon ng community service. Sinabi rin niya sa akin na dapat daw ay maging matulungin sa kapwa natin dahil tayo-tayo rin naman ang makikinabang nito kaya nagwalis, naglinis ng canal, nagdilig ng halaman kami buong maghapon yon. At ito pa, napagkamalan pa kaming magboyfriend at girlfriend. Natanong ko nga sa sarili ko na dumaan ba 'to sa hirap si Darryl?

Ikalawa ay pumunta kami sa isang orphanage na may ilang mga batang may sakit na cancer. Noong una ay nagtataka ako kubg bakit niya naisipang pumunta dito pero kalaunan ay naintindihan ko naman.
Nag-donate kami ng maliit na halaga para sa paggagamot at sa pang-araw-araw na pangangailan ng mga bata. Labis ang tuwa ng mga taong nag-aalaga sa kanila sa binigay naming donation. Nakipaglaro si Darryl sa mga bata at pilit niya pa akong pinapalaro nun. Ang mga bata naman ay nagpupumilit rin wala akong choice kundi sumali sa kanila. Trip to Jerusalem ang nilaro namin pero madali rin naman akong na-out sa laro. Hindi ko makakalimutan yung pag-alis namin sa orphanage dahil ang mga bata lang naman ay umiyak nung umalis kami at niyakap pa nila si Darryl. How cute.

Marami pas iyang tinuro sa loob ng isang buwan kaya npaisip ako, maganda ba ito para sa akin? I mean naging maganda ba ang pagtuturo niya kung wala rin namang saysay ito sa akin.

Napaisip na naman ako, kung gawin ko kaya siyang assistant? Pwede naman kasi palagi ko naman siya kasama araw-araw. Pwede ring hindi kasi alam kong maraming tututol sa desisyon kong ito. Black Snifter ang nakasalalay dito kaya wag muna ako magpadalos-dalos.

"Ria, Ria."

"Oy Ria!" may pumitik sa noo ko. Shit! Ang sakit!

"Ay assistant!"  gulat na sabi ko.

"Oy sinong assistant?" tanong ni Ashley sa akin. Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa sakit ng pitik niya sa akin.

"Wala, nagulat lang ako. Bakit mo ko pinitik ha?"

"Eh kanina ka pang tulala eh hehehe" kamot ulo niyang sabi.

"Kailangang pitik talaga?"

"Hehehe!" nag-peace sign pa siya. Napairap nalang ako.

"What if si Darryl ang gawin kong assistant?" biglang tanong ko kay Ashley na nakataas ang kilay.

"Anong sabi mo?"

"Wala" alam ko naman na narinig niya yon pinaulit niya lang. Psh!

"Pwede naman Ria kaso baka tutol ang BS dyan" sabi niya.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora