Chapter 49

77 6 3
                                    

A/N: Expect some errors in this chapter. Enjoy reading!

Chapter Theme: Stay by Darryl Ong

Darryl's POV

ANG sakit. Sobrang sakit.

Napaghandaan ko na pangyayaring ito pero bakit ang sakit pa rin?

Luhaan akong pumasok sa sasakyan ko at hinayaan ang sarili kong malunod sa emosyon. Maya't-maya akong napapahampas sa manibela at hindi ko iniinda ang pananakit ng aking kamao.

Paulit-ulit sa aking memorya ang luhaang mukha ni Ria nang sambitin niya ang katagang 'yon.

"For now on, let's give each others space... I'm breaking up with you... I'm sorry."

Parang ilang saksak ang tinamo ko sa sobrang sakit ng aking dibdib. Mas masakit pala ang ganito, hindi ko man lang ito inasahan.

Pilit kong inaalala ang mga masasayang araw na kasama ko siya nang sa ganon ay maibsan man lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero kahit anong gawin ko ay mas nangingibabaw pa rin ang sakit.

Para na akong tanga dito, nakangiti kahit lumuluha.

Why I have to feel this kind of pain? It sucks... really sucks.

Bagkus ay pinili ko na lamang umalis at magpunta sa kung saan ako aabutin ng aking sasakyan.  

***

Third Person's POV

Tulala.

'Yan si Ria ngayon. Tulala siyang nakaupo sa kanyang study table habang nasa kandungan niya ang alagang asong si Spice. Matagal na niyang hindi nakikita si Spice sa papamahay nila o sadyang hindi niya lang talaga ito napapansin na pagala-gala lang sa bahay nila?

Hinihimas niya ang makapal na balahibo ng alagang aso at tulala pa rin. Maya't-maya siyang napapaluha kahit hindi niya ito napapansin. Ni hikbi ay hindi niya magawa sapagkat umaagos lang ang kanyang mga luha mula sa walang emosyon nitong mga mata.

Pilit niyang inaaliw ang sarili sa paghimas ng kamay nito sa alagang aso ngunit sumasagi pa rin sa kanyang isipan ang pag-uusap nila ni Darryl kamakailan lamang. Hindi niya kinaya pero alang-alang sa kaligtasan niya ay nagawa niya itong makipaghiwalay sa binata. Wala siyang magawa kundi isuko ang pagmamahal nito.

Iniisip niyang tama ang kanyang naging desisyon pero tinatraydor siya ng kanyang puso at sinasabing maaari pa kayang ibalik ang nawasak na? Marahil ay pwede pa kasi mahal niya ang binata ngunit nangingibabaw ang kanyang isip na nagsasabing itigil na ito.

Paulit-ulit itong rumerehistro sa kanyang isipan ang nangyari kanina hanggang sa sumakit ang ulo nito at napaiyak na lamang. Naiiyak siya sa sobrang sakit at galit. Halo-halo.

Gusto niyang itanong kanina kung bakit siya? Bakit siya? Ngunit tila naduwag siya at naubusan ng salita para itanong 'yon. Nasabi niya ang lahat ng hinanakit niya sa binata ngunit nakalimutan niyang itanong kung bakit siya?

Napakamalas ko nga naman. Sambit niya sa kanyang isipan.

Napadako ang kanyang paningin sa kwintas na nakasabit sa sisidlan ng mga lapis at ballpen. Ito 'yong kwintas na binigay sa kanya ni Darryl. Nalaman niya na galing ito sa binata dahil minsan na niya itong nabanggit noon.

Kinuha niya ito mula sa pagkakasabit at marahang binaba ang alagang aso mula sa pagkakandong nito. Marami siyang alaala dito, kung paano ito pinadala sa kanya mula sa misteryosong lalaki, kung paano inamin ng binata na siya ang nagbigay nito, at kung paano niya ito sinuot sa leeg ni Ria. Kung anong masasayang alaala ang naalala niya ay siya namang pagpalit ng mga masasakit na alaala.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon