Chapter 36

97 3 0
                                    

Katalina's POV

UMUWI ako ng bahay nang pagod. Pagod na di ko alam kung saang lupalop nanggaling. Basta nalang akong pumasok sa mansion at madatnan ko si ate na nanonood ng tv sa sala.

"Oh, Ria, bakit ngayon ka lang?" agad nitong tanong nang lampasan ko siya.

"Ngayon mo lang ko nakita eh, malamang kararating ko lang."

"Pilosopo, tch!" singhal niya.

"Akyat na ak---" paakyat na sana ako ng hagdan nang may narinig akong balit mula sa pinapanood ni ate.

"Nagbabagang balita. Isang patay na lalaki ang natagpuan sa cubicle ng isang simbahan dito sa Maynila. Sabi ng saksi ay nakita itong nakaupo sa toilet bowl na walang malay at patay na. Ito si Sheila Marie Lomongo, nagbabalita."

Nanatili lang akong nakatayo sa paanan ng hagdan at hindi ako makagalaw dahil sa narinig. Matinding buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako nagtuloy sa pag-akyat.

"Grabe na talaga ang nangyayari sa bansa ngayon. Tsk! Tsk! Tsk!" kahit nakatalikod ako ay batid kong iling-iling niyang sinabi iyon.

Umirap at napangisi akong umakyat pataas. Pagkapasok ko ay basta ko nalang nilapag ang bag ko sa sofa na katabi lamang ng pinto at saka ako patalong humiga sa kama. Iidlip na sana ako nang maalala ko ang pakay ko bakit gusto ko nang umuwi ng maaga.

Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at tinignan ang laman nun. Binuksan ko ang messages at ganon nalang ang gulat nang makita ang natatanging message sa isang tao na nagngangalang Madam. Binasa ko iyon ng binasa at nagulat na naman ako sa laman nun. Pero ang isang mensahe ang pumukaw sa atensyon ko.

Madam:

-Siguraduhin niyong patay na si Gomez pagdating niyo dito. Kailangan makita ko sa balita ang pagkamatay ni Gomez. Malinaw?

Bakit gusto niya akong patayin?

Ganon nalang ang takot ko nang mabasa iyon at basta ko nalang tinago iyon sa drawer ko. Nahiga ulit ako sa kama at napasapo nalang sa noo ko habang malalim ng iniisip.

Yung pakiramdam na pinagbabantaan ka nila. Yung hindi mo alam kung sino ang nasa likod ng pagbabanta. Yung sinasabi nilang Madam na hindi ko alam kung sino. Yan ang kaisipang gumugulo sa isip ko ngayon at masyado nilang ginugulo iyon sa tuwing may mangyari sa aking masama. Sa sobrang pag-iisip at tuluyan na akong nakatulog.

"Ria? Ria, wake up the dinner is ready," nagising ako sa ingay ni ate.

"Anong oras na ba?" tanong ko at nahihimigan iyon ng antok.

"It's already 7:00 pm."

'Ganon? Bakit pa ako ginising? Sana hinayaan nalang nila akong matulog, psh!'

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ