Chapter 3|Bad Day

306 16 0
                                    

Katalina's P.O.V

Pauwi nako pagkatapos ng mahabang araw ko ngayon. Pumunta nako sa parking  at papasok na sana sa kotse ko nang may naramdaman akong yabag ng tao. Dahan-dahan kong kinuha ang maliit na kutsilyo na nakalagay sa bulsa ng palda at saka dahan-dahang lumingon sa kanya.

"Boss nandyan po pala kayo" kala kung sinong sumusunod sakin si Kiko lang pala at agad ko tinago ulit ang kutsilyo sa palda ko.

"Natagalan ka yata " anong klaseng tanong yun. Tss.

"May naiwan po kasi ako sa classroom" sabi niya habang paounta sa kotse niya.

"Mag-ingat ka gumagabi pa naman" akmang papasok na sana ako sa kotse nang magsalita siya.

"Salamat master" pumasok na ako sa kotse at pinaandar ito.

---

Pagpasok ko sa bahay bumulagta na sakin ang alaga kong shitzu na si Spice. "Hi spice kumain ka na ba?" habang kalmot-kalmot ang puting balahibo niya. Ang bobo ko naman bakit ko kinakausap si Spice eh hindi naman siya nagsasalita. Tss -_-.

"Yaya?" nasan na ba kasi si yaya.

"Ria nandito na po pala kayo, nagluto po ako ng hapunan" si daddy kaya?

"Nandito na ba si daddy?" dapat kisi nandito na siya.

"Ah baka nag-overtime ria" sabi niya. Sabagay nag-overtime siguro yun. Dumirets nako sa kitchen kasi gutom na gutom nako. Si yaya naman naghanda ng pagkain sa mesa.

"Salamat po" pagbigay niya ng pagkain.

"Walang anuman anak. Kamusta?"

"Ok naman medyo napagod lang" si yaya Yssa kasi tumatayong nanay namin ni ate simula nung namatay si mommy siya na ang nag-aalaga sa amin.

"Ang mabuti pa ipahinga mo muna yan anak, ako na ang bahala ditong magligpit " mabait talaga si yaya Yssa.

"Sigurado po b--"

"Ok lang, ako na ang bahala dito sige na umakyat ka na" kahit pagod na si yaya Yssa inuuna niya parin niya ako. Umakyat nako sa taas at dumiretso na sa kwarto ko pagpasok agad akong nagbihis at humiga na sa kama.

Kinabukasan.....

"Ria! Ria gising na tanghali na" ang aga aga ang ingay ingay.

"Hmmm..." bakit ang sakit ng katawan ko? Hindi ko makagalaw parang natabunan ng semento.

"Baka ma late ka sa school gising na!" I-try ko kaya bumangon?

1...

2...

3...

"Awwww!" ang sakit. huhuhu.

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon