Chapter 32

91 4 0
                                    

Darryl's P.O.V

Habang kasabay ko si Ashley ay may nabubuong tanong na naman sa isipan ko.

'Bakit wala siyang alam? Eh di ba bestfriend niya si Master?'

Napalingon ako kay Ashley na kasalukuyang nagkukutkot sa kanyang kuko.

'Yuck!'

'Hindi kaya..???'

'Hindi siguro sinabi sa kanya ni Master ang nangyari..'

'Bakit naman?'

Wag mo masyadong guluhin ang isip mo Darryl! Mapapraning ka na nyan!

Naunang nakapasok si Ashley sa klase at nagpaalam kami sa isa't-isa.

Malakas akong nagbuntong-hininga at saka nagtuloy sa paglalakad. May naaninag akong babae na nakayuko at nakaupo sa sementadong upuan na parang umiiyak?

Agad akong lumapit sa kanya at nakita kong namumugto ang kanyang mga mata.

"Miss?" tanong ko na hinawi pa ang kanyang nakaharang na buhok sa mukha niya.

'Pamilyar siya..'

"Miss? Okay ka lang?" tanong ko ulit pero di pa rin siya nagsalita!

Imbis na magsalita ay nilongon niya lang ako at saka humikbi ulit.

"Huhuhuhuhuhuhu" iyak niya.

"Miss? May nangyari ba?"

"W-Wala.."

"Miss, alam kong may problema ka kaya naman tinatanong kita kung ano yun.." malumanay na sabi ko.

"W-Wala n-nga s-sabi eh.." giit niya.

'Tigas ng ulo! Wala naman akong gagawin sa kanya! Simpleng sagot lang ang hinihintay ko!'

"Gusto mo bang samahan kita sa cafeteria?" alok ko at pagkakita niya sa kabuuan ko ay nagulat siya.

"L-Lumayo ka sa akin!" sigaw niya at tinabig ang kamay ko at saka patakbong umalis sa harapan ko.

'Anong nangyari sa kanya?'

Naiwang nakanganga ang mga labi ko at napagdesisyunang umalis dun kasi late na ako!

Pagpasok ko ay mabuti naman at wala pang prof kaya nagdere-deretso akong naglakad papunta sa upuan ko.

"Pre, san ka galing?" tanong sa akim ni Wilbert nang makaupo ako.

"Sa office ni Master.."

"Ahh.. ba't natagalan ka?"

My boyfriend is my Assistant (COMPLETED)Where stories live. Discover now